Durant pahinga muna
OKLAHOMA CITY – Ito na ang pinakamasaklap na balitang ibabahagi ni general manager Sam Presti.
Inihayag kahapon ni Presti na hindi na makakabalik si scoring champion Kevin Durant sa Oklahoma City ngayong season dahil may nararamdaman pa siyang sakit sa kanang paa.
Nagposte si Durant ng mga averages na 25.4 points, 6.6 rebounds at 4.1 assists, ngunit nakita lamang sa 27 sa 68 laro ng Thunder ngayong season.
Huli siyang nakita sa aksyon noong Feb. 19 laban sa Memphis Grizzlies.
Nabalian ng paa si Durant sa preseason.
Angat ang Thunder sa New Orleans Pelicans ng isang laro para sa No. 8 spot sa Western Conference playoffs.
- Latest