^

PSN Palaro

Phl team babanderahan ni Valdez sa U23 at SEAG

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pangungunahan ng itinuturing bilang pinakamahusay na collegiate volleyball player ng bansa na si Alyssa Valdez ang Pambansang koponan na maglalaro sa dalawang malalaking international tournaments.

Makakasama ni Valdez sina UAAP Best Setter Julia Morado at Bea De Leon. Ang tatlong ito ay nakatulong sa Ateneo Lady Eagles sa makasaysayang 16-0 sweet sa 77th season.

Ang dating Best Setter ng La Salle Lady Archers na si Kim Fajardo ay kasama rin bukod pa sa mga matatangkad na manlalaro, ang magkapatid na sina 6’2 Dindin Santiago-Manabat at 6’4 Jaja Santiago.

Kasama rin ang 90th NCAA Season MVP na si  Gretchel Soltones bukod pa ang kakampi sa San Se­bastian Lady Stags at Best Digger at Receiver na si  Alyssa Eroa habang nakuha rin sina UST Tigresses EJ Laure at Marivic Meneses, NU Lady Bulldogs Myla Pablo, FEU Lady Tamaraws libero at UAAP Best Digger Christine Agno  at Christine Rosario ng NCAA champion Arellano Lady Pirates.

Ang mga manlalarong ito ay ihahanda para sa Asian Women U-23 Championship na gagawin sa bansa mula Mayo 1 hanggang 9.

Sina Aby Maraño, Aiza Maizo-Pontillas, Jovelyn Gonzaga at Rhea Dimaculangan ay idinagdag din para sa bubuuing koponan sa Singapore SEA Games sa Hunyo.

Si Roger Gorayeb ang head coach at si Sammy Acay­lar ang assistant coach habang ang back-to-back champion coach sa UAAP na si Thai mentor Tai Bundit ang siyang trainer.

Aayusin ngayon ng koponan ang iskedyul ng mga manlalaro para maitakda ang kanilang pagsasanay na sisimulan sa Abril 1.

AIZA MAIZO-PONTILLAS

ALYSSA EROA

ALYSSA VALDEZ

ARELLANO LADY PIRATES

ASIAN WOMEN U

ATENEO LADY EAGLES

BEA DE LEON

BEST DIGGER

BEST DIGGER CHRISTINE AGNO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
13 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with