^

PSN Palaro

Tigresses humirit pa sa Lady Maroons

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hiniritan ng UST Tigresses ang UP Lady Maroons ng 7-2 panalo para manatiling buhay ang ha­ngaring makarating sa finals sa 77th UAAP wo­men’s softball kahapon sa Rizal Memorial Diamond.

Seryosong hinarap ng Tigresses ang number two seeds sa step-ladder semifinals at umarangkada sa 7-0 sa pagtatapos ng ikaanim na inning para maisantabi ang twice-to-beat advantage ng katunggali.

Ang sudden-death ay gagawin sa Linggo sa ganap na alas-9 ng umaga at ang mananalo ang siyang makakalaban ng four-time defending champion Adam­son Lady Falcons.

Si Christine Palma ay may dalawang RBIs sa dalawang hits habang si Kris Lacupa ay mayroong tatlong hits, dalawang runs at isang RBIs para pawiin din ng UST ang 4-7 pagkatalo sa UP sa playoff para sa number two spot.

vuukle comment

HINIRITAN

KRIS LACUPA

LADY FALCONS

LADY MAROONS

LINGGO

PARA

RIZAL MEMORIAL DIAMOND

SERYOSONG

SI CHRISTINE PALMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with