^

PSN Palaro

Tolenada bibinyagan ng Lady Blaze sa opening ng PSL All-Filipino Cup

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Mall of Asia Arena,

Pasay City)

1:30 p.m. Opening

Ceremony

2:30 p.m.  Cignal vs Foton

4:30 p.m.  Philips Gold

vs Petron

 

MANILA, Philippines - Makikita ngayon kung ano ang buti ng pagpasok ng mahuhusay na manla­laro sa Petron sa pagharap sa Philips  Gold sa pagsisi­mula ng Philippine SuperLiga All-Filipino Conference sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Tampok na laro ito at magsisimula matapos ang unang pagkikita ng Cignal HD Spikers at Foton Tornadoes sa ganap na alas-2:30 ng hapon.

Sina PSL president Ramon “Tats” Suzara at chairman Philip Ella Juico ang mangunguna sa ope­ning ceremony sa ganap na ala-1:30 ng hapon at paparada ang apat na koponang ito kasama ang Mane ‘N Tail Lady Stallions at Cignal HD Lady Spikers na kukumpleto sa anim na magtatagisan.

Pangungunahan pa rin ni Dindin Santiago, ang Petron na hawak ni coach George Pascua ay nakuha rin ang serbisyo nina Abigail Maraño at Rachel Ann Daquis bukod sa 5’8 Fil-Am na si Alexa Micek.

Bagitong koponan ang Philips Gold sa ligang inor­ganisa ng SportsCore katuwang ang Air21, My Phone, Via Mare, Mikasa, Mueller Sports Medicine, Healthway Medical, Generika Drugstore, LGR at Jinling Sports bilang technical partners at may ayuda pa ng TV5.

Pero hindi padadaig ang koponan sa ibang datihan tulad ng Petron dahil nasa koponan ang 5’8 Fil-Am setter na si Iris Tolenada.

vuukle comment

ABIGAIL MARA

ALEXA MICEK

ALL-FILIPINO CONFERENCE

CIGNAL

DINDIN SANTIAGO

MALL OF ASIA ARENA

PASAY CITY

PETRON

PHILIPS GOLD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with