^

PSN Palaro

Hotshots lalapit sa bonus

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Smart Araneta Coliseum)

4:15 p.m. Blackwater

vs Rain or Shine

7 p.m. Meralco

vs Purefoods

 

MANILA, Philippines - Sumasakay sa kanilang three-game winning streak, lalapit ang nagdedepensang Purefoods sa una sa dalawang  twice-to-beat  incentive.

“We have one more game against Meralco, and we’re trying to get to that  Top Two,” ani head coach Tim Cone. “We’re not for sure if we’ll end up in a three-way tie with Talk ‘N Text and Rain or Shine we would lose through quotient.”

Sasagupain ng Hotshots ang Bolts ngayong alas-7 ng gabi matapos ang bakbakan ng Rain or Shine at Blackwater sa alas-4:15 ng hapon sa 2015 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Ang mga koponang uupo sa No. 1 at No. 2 seats ang magkakaroon ng  twice-to-beat advantage laban sa No. 8 at No. 7  teams, ayon sa pagkakasunod, sa quarterfinal round.

Nanggaling ang Hotshots sa 103-96 panalo laban sa Barako Bull Energy noong Martes kung saan humakot si import Denzel Bowles ng 34 points at 17 rebounds.

Kasosyo ng Purefoods ang Talk ‘N Text sa liderato sa magkatulad nilang 7-3 record.

Nabigo naman ang Meralco na makamit ang kanilang pangalawang sunod na panalo matapos matalo sa Alaska via double overtime, 103-108 noong Martes.

Sa unang laro, pala­lakasin ng Painters ang kanilang tsansa sa Top Two sa pagharap sa Elite, nagmula sa 68-82 kabiguan sa Aces noong Marso 11.

BARAKO BULL ENERGY

DENZEL BOWLES

LARO NGAYON

MERALCO

N TEXT

N TEXT AND RAIN

PUREFOODS

SMART ARANETA COLISEUM

TOP TWO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with