^

PSN Palaro

Gems, Mixers at Titans iisa ang misyon

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon (Ynares Sports Arena, Pasig City)

12 nn Cagayan vs AMA University

2 p.m.  MP Hotel vs Cebuana Lhuillier

4 p.m.  Liver Marin vs KeraMix

MANILA, Philippines – Hanap ni Cebuana Lhui­llier coach David Za­mar ang mas magandang pagtutulungan para mas tumibay ang puwersa ng koponan sa PBA D-League Foundation Cup.

May 1-0 karta ang Gems nang nalusutan nila ang malakas na laro ng Café France, 86-85.

Ang bagong hugot na si Moala Tautuaa ay gumawa ng 34 puntos at sapat ang split sa 15-footline sa huling 2.7 segundo para makumpleto ang pagba­ngon ng Gems mula sa 21 puntos pagkakalubog sa ikatlong yugto.

“We may be strong on paper but we have to prove it on the court. We can’t depend of Mo alone. We have to  play and  work as a team,”  wika ni Zamar.

Makikita kung ang pa­nawagan ito ay may epekto agad dahil kalaban ng Gems ang MP Hotel Warriors sa ikalawang sultada sa triple-header game dakong alas-2 ng hapon.

Durog ang Warriors sa kamay ng baguhang KeraMix Mixers, 60-87, at tiyak na gagawin nila ang lahat na paraan para makaba­ngon mula sa masamang panimula.

Ang Mixers ay magtatangka rin sa kanilang ikalawang sunod na panalo laban sa rookie team na ATC Liver Marin-San Sebastian sa huling laro dakong alas-4 habang ang unang laro sa ganap na alas-12 ng tanghali ay sa hanay ng AMA University Titans at Cagayan Rising Suns.

Galing sa 88-81 panalo ang Titans nang kumana si Jeremy King ng 24 puntos habang si Jay-R Taganas ay mayroong 19 puntos at 19 rebounds.

Dapat na manatili ang magandang panimula ng dalawang manlalarong ito dahil nais ng Rising Suns na pumangalawa sa Aspirants’ Cup, na patunayan na palaban pa rin sila kahit nawala sa koponan ang kanilang number one rookie pick na si Tautuaa.

ANG MIXERS

CAGAYAN RISING SUNS

CEBUANA LHUI

CEBUANA LHUILLIER

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

DAVID ZA

HOTEL WARRIORS

JAY-R TAGANAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with