^

PSN Palaro

Tirahan para sa Palaro delegation kasado na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naiayos na ang titirhan ng mga atleta at opisyales na dadalo sa 2015 Palarong Pambansa sa Davao, del Norte.

“We are proud to say that every billeting center is “Ready For Occupancy!” wika ni Davao del Norte Go­ver­nor Rodolfo del Rosario.

May 22 billeting area ang gagamitin para sa inaasahang 10,000 bisita.

Sa bilang na ito, tatlo lamang ang matatagpuan na lampas sa 5-kilometer radius mula sa Davao del Norte Sports Complex.

“Travel time from the billeting areas to the competition venues and back will be convenient to everyone. The athletes could just even walk to the competition area if they would desire to,” dagdag ni Del Rosario.

Ito ang unang pagkakataon na ang Tagum, Davao del Norte ang tatayo bilang punong-abala sa Palarong Pambansa at lahat ay inasikaso na upang tiyaking han­dang-handa na ang lahat para sa kompetisyong gagawin mula Mayo 3 hanggang 9.

Lahat ng 17 rehiyon ay sasali sa Palaro na siyang pinakamalaking kompetisyon sa palakasan sa elementary at sekondaryang mag-aaral.

DAVAO

DEL

DEL ROSARIO

NORTE

NORTE GO

NORTE SPORTS COMPLEX

PALARONG PAMBANSA

READY FOR OCCUPANCY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with