Cavs binugbog ng Heat sa balwarte, balik sa No. 8 sa East
MIAMI — Hinawakan uli ng Heat ang ikawalong puwesto sa Eastern Conference playoff nang durugin ang Cleveland Cavaliers,106-92 sa NBA.
May 21 sa kanyang 32 puntos si Dwyane Wade sa first half habang may 20 puntos at siyam na assists si Goran Dragic para hiyain ang Cleveland na pinamumunuan ng dating kamador ng Heat na si LeBron James.
Tumapos ng 26 puntos si James at 16 dito ay ibinuhos sa huling yugto.
Naghatid naman ng 21 puntos si Kyrie Irving pero sa mahinang 5-of-15 shooting para matapos ang apat na sunod na panalo.
“We understand what the playoff race is right now. It felt like an old Miami Heat game with normal Miami Heat huddles. Guys were screaming at each other, lot of passion in this game and it was much-needed,” wika ni Heat coach Eric Spoelstra na humugot pa ng 16 puntos at 11 rebounds kay Hassan Whiteside at 16 puntos kay Mario Chalmers.
Sa Dallas, tumapos si Chandler Parson taglay ang 31 puntos habang si Rajon Rondo ay may13 assists at humugot ng krusyal na offensive foul kay Russel Westbrook para tulungan ang Mavericks sa 119-115 panalo laban sa Oklahoma City Thunder.
Nagdagdag pa ng 22 puntos si Dirk Nowitzki at ang Dallas ay kumapit pa sa ikalimang puwesto sa Western Conference.
Sa iba pang resulta ng laro, nagwagi ang Toronto Raptors sa Indiana Pacers, 117-98; Washington Wizzards sa Portland Blazers, 105-97; Boston Celtics sa Philadelphia 76ers, 108-89; Memphis Grizzlies sa Denver Nuggets, 92-81; Brooklyn Nets sa Minnesota Timberwolves, 122-106; Atlanta Hawks sa Sacramento Kings, 110-103; at Utah Jazz sa Charlotte Hornets, 94-66.
- Latest