Pacman mahihirapang manalo sa decision - Mancini
MANILA, Philippines – Hindi ordinaryong kaliweteng boksingero si Manny Pacquiao kaya’t tiyak na mahihirapan sa kanya si Floyd Mayweather Jr.
Ito ang nakikita ni Ray Mancini, dating WBA lightweight champion, na nakikita pa rin na magwawagi ang pound-for-pound king sa pamamagitan ng decision.
Ayon kay Mancini, iba ang istilo ni Pacquiao dahil nagagawa niyang palusutin ang mga suntok kahit sa hindi magagandang posisyon.
“Pacquiao is a bad style for Mayweather because Mayweather likes to lean to his right and Pacquiao doesn’t fight like a traditional southpaw. Pacquiao moves to his left and so is his straight left hand,” wika ni Mancini sa Ontheropesboxing.com.
Kapag ito ang ginawa ni Mayweather sa laban ay tiyak na masasapul siya ng malakas na kaliwa ni Pacman.
“It will be an interesting fight, I think Pacquiao will make him fight right from the jump and it will be interesting to see what happens,” dagdag nito.
Ngayon ay edad 54 anyos na, si Mancini ay naghari sa WBA light weight mula 1982 hanggang 1984 at naipanalo ang 29 sa naunang 30 laban, kasama ang 23 KOs.
Pero natapos ang kanyang boksing career nang natalo sa huling apat na sagupaan.
Kung hindi masaktan ni Pacquiao si Mayweather, nakikita rin ni Mancini na mananalo si Mayweather dahil sa kanyang husay at angking height advantage sa Pambansang Kamao.
“I think Mayweather beats him by decision. Not stoppage, decision. I think he would have beat him by decision, because he’s a bigger, faster and stronger,” sabi pa ni Mancini.
Ginagawa ni Pacquiao at trainer Freddie Roach sa kanilang pagsasanay ang kung paanong hindi niya malulubayan si Mayweather upang maipanalo ang bawat rounds na haharapin para makumbinsi ang mga hurado na susuri sa laban sa Mayo 2.
- Latest