^

PSN Palaro

Belga, Almazan pinagmulta ng PBA

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umabot  sa P110,000.00 ang multang inilabas ng PBA Commissioner’s Office laban sa dalawang higante ng Rain or Shine Elasto Painters na sina Beau Belga at Raymond Almazan matapos ang mainitang laro kontra sa Barangay Ginebra noong Linggo.

Si Belga ang tumanggap ng pinakamalaking multa na P70,000.00 at  tampok rito ang P40,000.00 fine matapos makipag-asaran sa mga panatiko ng Ginebra matapos ang laro.

May P40,000.00 ding danyos si Almazan nang umaming nag-dirty finger sa mga fans ng Gin Kings matapos ang pagdinig na isinagawa ni Commissioner Atty. Chito Salud.

Ipinaliwanag  ni  Salud na hindi pupuwedeng palampasin ang hindi  magandang asal ng mga manla­larong nabanggit sa mga fans dahil ito ang dahilan kung bakit patuloy na tinatangkilik ang professional league.

“Let it be stressed that the fans are the lifeblood of the league. There is absolutely no excuse for any player to engage the fans in a hostile and provocative manner,” wika ni Salud.

Pinagmulta pa ni Salud ang dating Gilas national team member na si Belga ng tig-P10,000.00 sa magkakaibang tagpo ng pana­nakit kina Mark Caguioa, Eman Monfort at Chris Ellis.

Si Ginebra back-up center Dorian Peña ay pinagbayad naman ng P10,000.00 bunga ng flagrant foul penalty one kay Almazan.

Pinagsabihan din  ni Salud ang mga referees na pumito sa laro noong Linggo na maging maagap lalo na kung nauuwi na sa sakitan ng mga manlalaro ang bakbakan.

“ The referees were reprimanded and directed to be more vigilant of dirty and hurtful plays which may escape attention in real time by reviewing replays to enable them to better determine possible flagrant contact,” dagdag ni Salud.

ALMAZAN

BARANGAY GINEBRA

BEAU BELGA

CHITO SALUD

CHRIS ELLIS

COMMISSIONER ATTY

DORIAN PE

EMAN MONFORT

GIN KINGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with