Pagdurugo ng mata isinantabi ni Paras, Phantoms iginiya sa panalo
MANILA, Philippines – Inihatid ni Kobe Paras ang Cathedral High Phantoms sa 84-72 panalo laban sa Gahr Gladiators sa 2015 CIF State Regional Playoffs sa California, USA.
Ginawa ito ni Paras sa kabila ng pagkakadugo ng kanyang mata matapos masundot sa second period.
Tumapos ang anak ni 1989 PBA Rookie of the Year/Most Valuable Player Benjie Paras na may 27 points, 10 rebounds at 4 assists para sa Cathedral na lalabanan ang Alemany Warriors para sa tiket sa regional finals.
Umiskor si Paras ng 15 points sa first half sa kabila ng eye injury para sa 45-39 abante ng Phantoms laban sa Gladiators.
Nakadikit ang Gahr sa 59-63 sa third period bago naagaw ang unahan sa fourth quarter.
Muli namang sumandal ang Cathedral sa dating La Salle Greenhills standout para ilista ang 69-67 abante sa huling tatlong minuto ng laro.
Isang mahalagang three-point play ang nakumpleto ni Paras para sa five-point lead ng Phantoms sa huling dalawang minuto.
Tuluyan nang sinelyuhan ng 6-foot-7 na slamdunker ang panalo ng Cathedral mula sa kanyang dalawang free throws.
- Latest