^

PSN Palaro

Painters pasok sa quarters

Russell Cadayon - Pilipino Star Ngayon

Laro Bukas (Smart Araneta Coliseum)

4:15 p.m. Purefoods vs Barako Bull

7 p.m. Alaska vs Meralco

MANILA, Philippines – Bago ang laro ay sinabi ni Barangay Ginebra point guard LA Tenorio na ayaw na nilang maulit ang masaklap na kabiguan sa NLEX kung saan sila nagtayo ng malaking kalamangan bago kumulapso sa final canto.

Ngunit muli itong nangyari.

Bumangon ang Rain or Shine Elasto Painters mula sa 18-point deficit sa first half para balikan ang Gin Kings, 82-79, at magmartsa sa quarterfinal round ng 2015 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Nagtala si guard Paul Lee ng 18 points, 11 rebounds at 2 steals para sa ikaanim na panalo ng Rain or Shine at makasosyo sa ikalawang puwesto ang nagdedepensang Purefoods at Talk ‘N Text.

Nalasap naman ng Ginebra ang kanilang pa­ngalawang dikit na kabiguan.

Nauna nang natalo ang Gin Kings sa Road Warriors, 90-96, noong nakaraang Miyerkules.

Bumangon naman ang Elasto Painters mula sa 18-point deficit sa first half para agawin ang 65-63 abante sa pagtatapos ng tthird period.

Matapos kunin ng Ginebra ang 79-71 bentahe sa 4:27 ng fourth quarter ay kumamada ang Rain or Shine ng 11-0 atake, kasama rito ang dalawang free throws ni import Wayne Chism sa natitirang 8.6 segundo matapos ang turnover ni Mac Baracael.

Dahil sa pambabato ng bote ng mineral water kay Beau Belga, nakabuhulan ni Mark Caguioa sa 5:26 minuto ng final canto, sa bench ng Elasto Painters ay dalawang Gin Kings fans ang inilabas sa venue.

Sa unang laro, dumiretso ang NLEX sa kanilang pang-apat na sunod na panalo makaraang gibain ang Globalport, 94-81, tampok ang season-high na 29 points ni Niño ‘KG’ Canaleta.

NLEX 94 - Canaleta 29, Thornton 19, Ramos 14, Taulava 8, Lingganay 7, Villanueva E. 4, Borboran 4, Baloria 3, Cardona 2, Villanueva J. 2, Arboleda H. 2.

Globalport 81 - Caracter 27, Romeo 19, Semerad 12, Jensen 8, Nabong 6, Miranda 5, Espinas 3, Ponferrada 1, Buenafe 0, Isip 0, Pinto 0.

Quarterscores: 20-16; 40-36; 65-53; 94-81.

Rain or Shine 82 - Chism 28, Lee 18, Belga 11, Quiñahan 8, Ibañes 6, Almazan 5, Uyloan 2, Araña 2,Cruz 2, Norwood 0, Chan 0, Tiu 0.

Ginebra 79 - Dunigan 24, Slaughter 10, Aguilar 9, Ellis 9, Caguioa 8, Tenorio 7, Yeo 7, Monfort  3, Baracael 2, Peña 0.

Quarterscores: 15-24, 38-48, 65-63, 82-79.

ARBOLEDA H

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

BEAU BELGA

BUMANGON

ELASTO PAINTERS

GIN KINGS

GINEBRA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with