^

PSN Palaro

Atletang isasabak sa SEAG ihahayag sa Lunes

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Magpupulong sa Lu­nes (Marso 16) ang POC Executive Board at maa­a­ring malaman na kung ilan at sinu-sino ang mga atletang puwedeng makasama sa Pambansang de­legasyon na maglalaro sa SEA Games sa Singapore.

Minamadali ngayon ng mga kasapi ng working committee, sa pangunguna ni Chief of Mission Julian Camacho, ang talaan na nakuha sa mga kasaling NSAs hinggil sa mga atletang nais na ipadala sa kompetisyon.

Nasa 400 hanggang 450 ang bilang ng manla­laro na isinumite sa wor­king committee na binubuo rin nina PSC chairman Ricardo Garcia, Mauricio Martelino at Chippy Espiritu.

“Ang mangyayari ay ibibigay namin ang listahan sa POC executive board for them to review and make the final decision kung sinu-sino ang makakasama sa delegation,” wika ni Martelino.

Kasama sa isusumite sa POC ay ang mga justification ng atleta tulad ng resulta ng huling laro at kung ano ang kahihinatnan nito kumpara sa mga karibal sa South East Asia.

Nasa 33 sports mula sa 36 na paglalabanan ang sasalihan ng Pilipinas na magtatangka na higitan ang pinakamasamang 7th place na pagtatapos noong 2013 Myanmar SEAG bitbit ang 29 ginto, 34 pilak at 38 bronze medals.

Naunang sinabi ni Camacho ang pagnanais na makahugot ng 45 gintong medalya na sapat na para umakyat ang bansa sa standings sa kompetis­yong gagawin mula Hunyo 5 hanggang 16. (AT)

CAMACHO

CHIEF OF MISSION JULIAN CAMACHO

CHIPPY ESPIRITU

EXECUTIVE BOARD

HUNYO

MAURICIO MARTELINO

RICARDO GARCIA

SHY

SOUTH EAST ASIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with