^

PSN Palaro

Blazers overall NCAA champions Altas Perps Squad puntirya ang ika-6 sunod na titulo

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagbunga ang balanseng laro na ipinakita ng College of St. Benilde sa mga sports na pinaglaba­nan sa 90th NCAA season para mapagtagumpayan ang title defense sa overall championship.

Nagkampeon ang Be­nilde sa men’s  table ten­nis at beach volley pero pumangalawa sila sa men’s at women’s swimming, men’s volleyball, women’s taekwondo at table tennis bukod sa pumangatlo sa chess, football, soft tennis at women’s volleyball.

May kaakibat na puntos ang ibinibigay sa bawat pagtatapos ng kasaling paaralan at ang unang tatlong  pupuwesto ay mayroong 50, 40 at 35 puntos para makalikom ang St. Benilde ng 660 puntos.

Ito na rin ang pang-apat na overall crown ng Blazers  matapos maka-back-to-back din noong 2007 at 2008.

Ang San Beda na kampeon sa basketball, wi­nalis ang swimming at taekwondo bukod sa pa­ngunguna sa women’s table tennis, football at soft tennis ay nagkaroon lamang ng 568.50 puntos para sa pangalawang puwesto.

Naghari naman ang San Beda sa high school sa kinulektang 400 puntos habang ang St. Benilde na pumangalawa sa 322.5 puntos.

Opisyal na magtatapos ngayon ang 90th season sa cheerleading competis­yon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Aasintahin ng Perpetual Help Altas Perps Squad ang kanilang ikaanim na sunod na kampeonato at siyam sa 12 edisyon.

Mataas ang morale ng koponang hawak ni Randolph Rosario dahil pumangalawa sila sa Natio­nal Cheerleading Cham­pionship noong naka­raang linggo.

“In behalf of the school, we wish our cheerleading team good luck and we want them to know that we’re proud of what they’ve done,” pahayag ng pa­ngulo ng paaralan  na si Anthony Tamayo.

ANG SAN BEDA

ANTHONY TAMAYO

CHEERLEADING CHAM

COLLEGE OF ST. BENILDE

MALL OF ASIA ARENA

PASAY CITY

PERPETUAL HELP ALTAS PERPS SQUAD

SHY

ST. BENILDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with