North niresbakan ang South; Alapag iniretiro ang jersey No. 3
MANILA, Philippines – Ipinatikim ng North sa nagretirong si Jimmy Alapag ang huling kabiguan nito sa Philippine Basketball Association.
Tumipa si Calvin Abueva ng 37 points, habang may 30 markers si Terrence Romeo para igiya ang North sa 166-161 panalo laban sa South sa 2015 PBA All-Star Game kagabi sa Puerto Princesa City Coliseum sa Palawan.
Hinirang si Romeo ng Globalport bilang All-Star Most Valuable Player.
Matapos iwanan ng South sa third period, 125-135, ay bumangon ang North para agawin ang unahan, 160-148.
Nagdagdag si Japeth Aguilar ng 25 points kasunod ang 24 ni Arwind Santos at 19 ni Marc Pingris.
Tumapos si Alapag, pormal na iniretiro ang jersey No. 3 sa halftime, na may record na 17 assists at 12 points para sa South.
Samantala, pumanaw naman dahil sa atake sa puso si PBA Technical Director Ramil Cruz.
North All-Stars 166 - Abueva 37, Romeo 30, Aguilar 25, Santos 24, Pingris 19, Norwood 8, Belga 6, Tenorio 6, Castro 5, Lee 5, De Ocampo 2, Melton 0.
South All-Stars161 - Simon 24, Slaughter 22, Chan 22, Hugnatan 17, Devance 16, Baguio 14, Alapag 12, Taulava 11, Pringle 11, Yap 6, Barroca 6.
Quarterscores: 41-48; 81-88; 125-135; 166-161. (RC)
- Latest