^

PSN Palaro

Phl Davis Cup team dapat isabak sa SEAG

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kung si Fil-American pla­yer Treat Huey ang tatanungin, dapat ang koponan na inilaban at nanalo sa Sri Lanka sa Davis Cup ang siyang ipadala rin sa Southeast Asian Games sa Singapore sa Hunyo.

“We have a good group and hopefully we can maintain this team for the SEA Games,” wika ni Huey.

Sinabi pa ng Fil-Am netter na kumpiyansa siyang makukuha nila ang mga gintong medalya sa Singa­pore SEA Games dahil sa ka­nilang eksperyensa sa Davis Cup.

Nakipagtambal muli si Huey sa nagbabalik na si Francis Casey Alcantara sa doubles para talunin sina Sharmal Dissanayake at Dineshkanthan Thangarajah upang dugtu­ngan ang mga panalo nina Patrick John Tierro at Fil-Am Ruben Gonzales kina Harshana Godamanna at Dissanayake sa mga opening singles.

Sakaling ang kopo­nang ito ang ipadala sa Singapore SEA Games, ma­k­a­katulong ang maku­ku­hang karanasan para mas tumibay ang hanga­ring manalo sa Chinese-Taipei sa semifinals ng Asia-Oceania Zone Group II na gagawin sa Taiwan mula Hulyo 17 hanggang 19.

Ito na ang ika-pitong pag­­tutuos ng Pilipinas at ng Chinese-Taipei.

ASIA-OCEANIA ZONE GROUP

CHINESE-TAIPEI

DAVIS CUP

DINESHKANTHAN THANGARAJAH

FIL-AM RUBEN GONZALES

FRANCIS CASEY ALCANTARA

HARSHANA GODAMANNA

HUEY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with