^

PSN Palaro

Pinoy tracksters makikilatis ang kalaban sa 2015 SEAG sa Philippine Open

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patutunayan ng piling atleta na napasama sa national Olympic program na karapat-dapat sila rito sa gaganaping Philippine National Open Invitational Championships mula Marso 19 hanggang  22 sa San Luis Sports Complex sa Sta. Cruz, Laguna.

Ang mga nabigyan ng puwesto matapos tukuyin nina PATAFA president Philip Ella Juico katuwang ni sports patron/businessman Jim Lafferty ay sina 19-anyos Ernest John Obiena, Fil-Ams Eric Cray at Zion Corrales-Nelson, Archand Bagsit, Jesson  Cid at Marestella Torres.

Si Obiena ang record holder ngayon sa pole vault sa naitalang 5.20 meters sa Singapore Open. Ang dating marka ay nasa 5:01m na ginawa ni Edward Lasquete, 22 taon na ang nakalipas.

Sina Cray at Corrales-Nelson ay pambato sa hurdles at sprint, si Bagsit ay sa middle-distance, si Cid ay sa decathlon habang ang  Olympian na si Torres ay sa long jump.

Masusukat ang mga ito bukod sa iba pang nasa national pool dahil darating ang mga panlaban mula sa mga bansang Japan, Korea, China, Chinese Taipei, Hong Kong, Thailand, Indonesia, Vietnam, Malaysia, Singapore at Brunei.

Maliban sa unang limang bansa, ang ibang bisita ay makakalaban din ng Pilipinas sa Singapore SEA Games sa Hunyo kaya’t magandang oportunidad  ito para makilatis ng mga national athletes ang kahandaan para sa re­gional meet.

Tig-23 gold medals ang paglalabanan sa men’s, wo­men’s at junior divisions pero may anim pang ka­tegorya ang isinama para sa masters and 19-under categories. (AT)

 

ARCHAND BAGSIT

CHINESE TAIPEI

EDWARD LASQUETE

ERNEST JOHN OBIENA

FIL-AMS ERIC CRAY

HONG KONG

JIM LAFFERTY

MARESTELLA TORRES

PHILIP ELLA JUICO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with