^

PSN Palaro

CKSC sisimulan ang depensa vs UC-Baguio

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pangungunahan ng nagdedepensang Chiang Kai Shek College ang 18 finalists sa pagdribol ng 2015 Seaoil-NBTC National High School Cham­pionships ngayon sa tatlong magkakaibang venues.

Lalabanan ng CKSC Blue Dragons ang University of Cordilleras (Baguio) sa ganap na alas-9:45 ng umaga sa Philsports Arena sa Pasig bago labanan ang St. John’s Institute (Bacolod) sa alas-2:15 ng hapon sa Ynares Sports Arena.

Magtatapat naman ang Sacred Heart School-Ateneo de Cebu at ang Assumption College (Davao) sa alas-12:30 ng tanghali matapos ang pang alas-11:30 ng umagang inaugural ceremony sa Ynares Sports Arena.

Si Samahang Basketbol ng Pilipinas executive director Sonny Barrios ang magbibigay ng opening remarks, habang si  Ateneo Blue Eagle star Keifer Ra­vena ang magbabahagi ng inspirational message.

Matapos ang parada ng mga koponan ay pamumunuan ni NBTC Mindanao territorial head Arvin Martinez ang invocation at ang Arellano University Drum and Lyre ang tutugtog ng National Anthem.

Makakasama ni Barrios sa ceremonial toss sina National Basketball Training Center program director Eric Altamirano at tournament directors Edmundo Badolato at Manny Nitorreda.

ARVIN MARTINEZ

ASSUMPTION COLLEGE

ATENEO BLUE EAGLE

CHIANG KAI SHEK COLLEGE

DRUM AND LYRE

EDMUNDO BADOLATO

ERIC ALTAMIRANO

KEIFER RA

YNARES SPORTS ARENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with