^

PSN Palaro

Dumadagsa na ang lahok sa Palaro

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nakikita ng mga opis­yales ng Davao del Norte na magiging matagumpay ang gagawing pagtayo bilang punong-abala sa 2015 Palarong Pambansa.

Ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng interes ng pagsali mula sa iba’t ibang rehiyon sa pangunguna na ng (NCR).

Pinangangambahan na hindi lahat ng rehiyon ay sumali sa pinakamalaking kompetisyon sa hanay ng mga batang atleta na nasa elementary at secondary level bunga ng naganap na engkuwentro sa pagitan ng Special Action Forces at MILF na ikinasawi ng 44 SAF noong Enero.

“Normally, kapag may issue sa peace and order, the first people that back out are people from the NCR,” wika ni Davao del Norte Representative Anthony del Rosario.

Pero may mga nakakausap siyang dating kaklase sa Ateneo at wala naman silang naipaparating na pangamba sa sitwasyon sa kanilang lugar.

Ang kanyang ama at Gobernador ng lalawigan na si Rodolfo Del Rosario ang nangunguna sa prepa­rasyon para tiyakin na magiging ligtas at magi­ging kaaya-aya ang isang linggong pamamalagi ng humigit-kumulang 10,000 atleta, coaches at mga bisita para sa Palaro sa Mayo 3.

vuukle comment

ATENEO

DAVAO

ENERO

GOBERNADOR

NORTE REPRESENTATIVE ANTHONY

PALARONG PAMBANSA

RODOLFO DEL ROSARIO

SPECIAL ACTION FORCES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with