Heat binigyan si Dragic ng regalo, Suns sinilaban
MIAMI – Pinasalamatan ni Goran Dragic ang Heat para sa kanyang birthday present.
Ngunit ang kanyang kaarawan ay sa May 6.
Kung iba ang kanilang kalaban ay malamang na hindi naglaro si Dragic dahil sa kanyang back spasms.
Ngunit ito ay kontra sa Phoenix Suns, ang koponang tumawag sa kanyang makasarili matapos siyang dalhin sa Miami noong nakaraang buwan.
Hindi naman binigo si Dragic ng kanyang mga bagong teammates.
Umiskor si Tyler Johnson ng career-high 26 points mula sa bench at nagdagdag ng 21 si Dragic para tulungan ang Heat sa 115-98 paggiba sa Suns.
Sa New York, nagsalpak si Jarrett Jack ng tiebreaking jumper sa natitirang 1.1 segundo para itakas ang Brooklyn Nets laban sa Golden State Warriors, 110-108.
Itinabla ni Stephen Curry ang Warriors mula sa 10-point deficit sa huling apat na minuto ng laro.
Tumapos si Curry na may 26 points, ang 18 dito ay kanyang ginawa sa final period.
Sa iba pang resulta, giniba ng Toronto ang Philadelphia, 114-103; tinalo ng Dallas ang New Orleans, 102-93; at pinatumba ng Los Angeles Clippers ang Minnesota, 110-105.
- Latest