Kia nabuhayan pa ng tsansa
MANILA, Philippines – Bumangon ang Kia mula sa kabiguan para palakasin ang kanilang tsansa sa eight-team quarterfinals cast.
Kumawala sa huling limang minuto sa fourth quarter, pinabagsak ng Carnival ang Alaska Aces, 103-89, para sa kanilang ikaapat na panalo sa 2015 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Humakot si 7-foot-4 import PJ Ramos ng 36 points, 33 rebounds at 2 shotblocks para sa Kia, habang 14 markers si Karl Dehesa kasunod ang 13 ni JR Cawaling at 10 ni LA Revilla.
Nalasap naman ng Alaska ang kanilang ikatlong sunod na kamalasan.
Mula sa 53-49 abante sa first half ay itinayo ng Carnival ang 12-point lead, 75-63, mula sa basket ni Ramos sa 2:41 minuto ng third period bago nakalapit ang Aces sa 77-81 sa 8:58 minuto ng fourth quarter sa likod ng pagbibida ni import Damion James.
Isang 17-4 atake ang inilunsad ng Kia para iposte ang 17-point advantage, 98-81, sa huling 3:28 minuto ng laro.
Tumapos si import Damon James na may 25 para sa Alaska kasunod ang 16 ni Sonny Thoss, 14 ni Cyrus Baguio at 11 ni Calvin Abueva.
Kia 103 – Ramos 36, Dehesa 14, Cawaling 13, Revilla 10, Cervantes 6, Avenido 6, Buensuceso 5, Thiele 4, Alvarez 3, Poligrates 2, Pascual 2, Yee 2, Webb 0.
Alaska 89 – James 25, Thoss 16, Baguio 14, Abueva 11, Banchero 7, Manuel 6, Jazul 4, Dela Cruz 4, Eman 2, Dela Rosa 0, Casio 0, Menk 0, Espinas 0, Eximiniano 0.
Qiuarterscores: 28-27; 53-49; 77-67; 103-89.
- Latest