Pacquiao gagamitan si Mayweather ng left and right combination
MANILA, Philippines - Binigyan ni Manny Pacquiao ng instruction ang kanyang mga Kia players sa kanilang dugout sa kanilang paghahanda laban sa Talk ‘ N Text kahapon sa Big Dome.
Umupo si Pacquiao, ang playing-coach at nakasuot ng red-and-white Kia uniform, sa isang cushion para sagutin ang mga katanungan ng press.
Ang mga tanong ay hindi tungkol sa basketball game. Ito ay ukol sa kanilang laban ni Floyd Mayweather Jr.
Tinanong si Pacquiao tungkol sa kanyang game plan para sa kanilang showdown ng undefeated American.
“Just use my left and right,” sagot nito.
Maaaring masaktan ni Pacquiao, ang tanging boxer sa kasaysayan na nagkampeon sa walong magkakaibang weight classes, ang kanyang kalaban ng kanyang kaliwa o kanang kamay.
Sa May 2, maglalaban sina Pacquiao at Mayweather para sa pinakamalaking laban sa kasaysayan ng boxing.
Tinanong si Pacquiao kung makikipagsabayan sa kanya si Mayweather.
“Hindi natin alam. Pwedeng hindi. Pero pwede rin,” sabi ng 36-anyos na si Pacquiao. (Abac Cordero)
- Latest