^

PSN Palaro

Laglagan sa UST, FEU para sa huling semis slot

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isa lamang sa pagitan ng UST Tigresses at FEU Lady Tamaraws ang magpapatuloy ng kampanya sa 77th UAAP women’s volleyball.

Sa ganap na alas-4 ng hapon ay paglalabanan ng Tigresses at Lady Tamaraws ang ikaapat at huling upuan sa step-ladder semifinals sa gagawing 77th UAAP women’s volleyball playoff sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nagkaroon ng sudden-death dahil tinapos ng da­lawang koponan ang dou­ble-round elimination sa 6-8 karta.

Parehong masidhi ang paghahangad na maipanalo ang knockout game na ito dahil hindi nakaabante ang UST at FEU sa post season sa huling dalawang taon.

Winalis ng UST ang da­lawang pagkikita nila ng FEU.

Ang mananalo ang siyang makakaharap ng National University Lady Bulldogs na pumangatlo sa pagtatapos ng double-round elimination.

Magtatangka muna ang Ateneo Eagles at UST Tigers na maitakda na ang pagkikita sa Finals sa  men’s division.

Kalaban ng Tigers ang nagdedepensang kampeon NU Bulldogs sa  alas-10 ng umaga habang ang Eagles ay makikipagsukatan sa A­damson Falcons sa alas-2.

Tumapos ang Ateneo at UST sa 11-3 baraha para kunin ang unang dalawang puwesto at magkaroon ng mahalagang twice-to-beat advantage sa Bulldogs at Falcons na nagtala  ng 10-4 baraha.

ATENEO

ATENEO EAGLES

ISA

KALABAN

LADY TAMARAWS

MAGTATANGKA

MALL OF ASIA ARENA

NATIONAL UNIVERSITY LADY BULLDOGS

PASAY CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with