^

PSN Palaro

Nagparamdam na agad si Oconer

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

STA. ROSA, Laguna, Philippines – Maagang nagparamdam ang mga bigating siklista sa 60-kilometer criterium race Stage One ng championship round ng Ronda Pilipinas 2015 na inihahandog ng LBC kahapon ng umaga rito sa Greenfield City.

Kumawala ang grupo nina George Oconer at Rustom Lim ng PSC/PhilCycling Developmental Team, inaugural champion Santy Barnachea at Rudy Roque ng Navy-Standard Insurance at Chris Joven ng Army sa huling apat na laps.

Ngunit sa huli ay inungusan ni Oconer, anak ni Olympian Norberto Oconer, sina Roque, Joven, Lim at Barnachea para angkinin ang Stage One sa kanyang bilis na isang oras, 13 minuto at 15 segundo para isuot ang LBC red jersey sa 120.5-km Calamba-Atimonan Stage Two kahapon ng hapon.

“First lap win ko ito since 2013 sa Tuguegarao to Sulano kaya masayang-masaya ako,” sabi ng 23-anyos na si Oconer, pumang-apat noong nakaraang taon, na ibinulsa ang premyong P15,000.

“Sana may kasunod pa,” dagdag ng Philippine Air Force personnel sa kanyang panalo.

Ang iba pang nasa Top 10 ay sina John Paul Morales ng Navy, Rey Nelson Martin ng Cebu, Marvin Tapic ng Army, Arjay Peralta ng 7-Eleven at Edgar Nieto ng composite team na New Zealand/Denmark.

Babagtasin ng mga siklista ang 171.1-km Stage Three ngayon na dadaan sa Pagbilao, Tayabas at Lucban sa Quezon at sa Luisiana, Cavinti, Lumban, Paete at Siniloan sa Laguna patungong Tanay, Morong at Teresa, Rizal sa Antipolo City

Didiretso ang grupo bukas sa Bulacan para sa 199-km Stage Four na magtatapos sa Tarlac Provincial Capitol. Sa Miyerkules ay nakatakda ang 140-km Stage Five sa Tarlac Provincial Capitol at magwawakas sa Dagupan City Plaza kasunod ang Stage Six 152-km sa Huwebes papunta sa Harrison Avenue sa Baguio City.

Sa Stage Seven 8.8-km Individual Time Trial sa Sto. Tomas, Tuba Benguet sa Biyernes magpapabilisan ang mga siklista kasunod ang Stage Eight 90-km criterium race sa Harrison Avenue kasunod ang paggawad sa aangkin sa premyong P1 milyon.

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

ARJAY PERALTA

BAGUIO CITY

CALAMBA-ATIMONAN STAGE TWO

CHRIS JOVEN

DAGUPAN CITY PLAZA

HARRISON AVENUE

STAGE

STAGE ONE

TARLAC PROVINCIAL CAPITOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with