Orton pinalitan ni Bowles Bolts dinungisan ng Beermen sa Cagayan
Laro Ngayon (Smart Araneta Coliseum)
3 p.m. Globalport vs Blackwater
5:15 p.m. Purefoods vs Ginebra
MANILA, Philippines – Ang walang panalo koponan pa ang nagpalasap sa Meralco ng kanilang unang pagkatalo.
Sinamantala ang pagkawala ni import Josh Davis sa third period, pinatumba ng San Miguel Beermen ang Bolts, 102-86, para sa kanilang unang panalo sa 2015 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Xavier University Gym sa Cagayan De Oro City.
Ipinatikim ng Beermen, ipinarada si balik-import Arizona Reid, ang unang kabiguan ng Bolts
Bumagsak sa sahig si Davis nang kumagat sa ginawang fake ni 6-foot-10 June Mar Fajardo sa 7:16 minuto ng second period kung saan tabla ang laro sa 30-30.
Inilagay sa stretcher si Davis nang halos limang minutong hindi makakilos at dinala sa kanilang dugout para tingnan ang gulugod nito.
At nang hindi na makabalik si Davis ay lumayo na ang Beermen sa second half.
Samantala, ipaparada ng nagdedepensang Purefoods si PBA Best Import Denzel Bowles sa kanilang pagsagupa sa Barangay Ginebra ngayong alas-5:15 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.
Nakapasa ang 6-foot-8 3/16 na si Bowles sa height requirement na 6’9.
Kaagad sinibak ng Hotshots si 6’9 NBA veteran Daniel Orton matapos patawan ng multang P250,000 ng PBA Commissioner’s Office dahil sa paninirang-puri sa liga at pati na kay Kia playing coach Manny Pacquiao matapos ang kanilang kabiguan sa Carnival noong nakaraang Miyerkules.
Iginiya ni Bowles ang B-Meg Llamados sa korona ng PBA Commissioner’s Cup noong 2012.
Sa unang laro sa alas-3 ng hapon ay lalabanan naman ng Globalport ang Blackwater.
San Miguel 102 - Reid 29, Fajardo 21, Ross 16, Santos 12, Lutz 9, Kramer 8, Cabagnot 5, Lassiter 2, Reyes 0, Tubid 0, Omolon 0, Fortuna 0.
Meralco 86 - David 23, Wilson 9, Hodge 9, Hugnatan 9, Anthony 8, Dillinger 6, Cortez 5, Sena 5, Davis 4, Ferriols 4, Reyes 2, Macapagal 2, Ildefonso 0, Atkins 0, Buenafe 0.
Quarterscores: 20-25; 45-40; 73-60; 102-86.
- Latest