^

PSN Palaro

Castro isinalba ang Talk ‘N Text

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

STANDINGS    W   L

Meralco              5   0

Talk ‘N Text       5   1

Purefoods        4   2

Barako Bull      3   2

*Rain or Shine             3   2

Globalport                      3   3

*Alaska                          2   2

Ginebra              2   3

Kia                                  2   4

NLEX                1   4

Blackwater                    1   4

San Miguel                   0   4

*naglalaro pa as of presstime

 

Laro Ngayon

(Cagayan De Oro City)

5 p.m. San Miguel

vs Meralco

 

MANILA, Philippines - Nabigo ang Tropang Texters na pigilan ang pagbangon ng Road Warriors mula sa 28-point deficit sa third period para makatabla sa huling 7.9 segundo.

Kaya naman itinuring ni coach Jong Uichico na suwerte ang 98-96 panalo ng kanyang Talk ‘N Text laban sa NLEX tampok ang winning jumper ni point guard Jayson Castro sa pagtunog ng final buzzer sa 2015 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

“We didn’t do a good job in handling their comeback. Slippage on defense and we made them score a lot of points,” wika ni Uichico sa Road Warriors.

Tumapos si Castro na may 16 points, kasama ang 4-of-7 shooting sa three-point range, para sa ikatlong sunod na arangkada ng Tropang Texters.

Kumolekta naman si import Ivan Johnson, pu­malit kay Richard Howell, ng 32 points, tampok ang 3-of-9 clip sa 3-point line, 10 rebounds at 3 steals para sa kanyang debut game.

Ikinasa ng Texters ang malaking 28-point lead, 80-52, mula sa three-point shot ni Johnson sa 6:13 minuto sa third quarter.

Ngunit hindi sumuko ang NLEX nang makalapit sa 83-91 sa 7:03 minuto sa fourth period hanggang makadikit sa 95-96 galing sa dalawang free throws ni import Al Thornton sa huling 14.4 segundo.

Ang technical free throw ni Thornton ang nagtabla sa Road Warriors sa 96-96 sa huling 7.9 segundo matapos tumawag ng timeout si Larry Fonacier bagama’t wala nang timeout ang  Texters.

Matapos matanggap ang inbound pass ay humarurot si Castro mula sa kabilang court para isalpak ang kanyang winning shot bago tumunog ang final buzzer.

Pinamunuan ni Thornton ang NLEX sa kanyang 37 points, 14 boards, 2 assists, 2 steals at 2 shotblocks.

Kasalukuyan pang naglalaban ang Rain or Shine at ang Alaska habang isinusulat ito.

Talk ‘N Text 98 - Johnson 32, Castro 16, De Ocampo 13, Miller 9, Rosser 9, Carey 6, Aban 5, Alas 4, Fonacier 2, Reyes R.J. 2.

NLEX 96 - Thornton 37, Villanueva J. 13, Ramos 10, Cardona 9, Canaleta 8, Taulava 6, Arboleda H. 5, Villanueva E. 3, Baloria 3, Lingganay 2,

Hermida 0, Arboleda W. 0, Borboran 0.

Quarterscores: 32-19; 65-40; 89-71; 98-96.

AL THORNTON

ARBOLEDA H

N TEXT

ROAD WARRIORS

SAN MIGUEL

THORNTON

TROPANG TEXTERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with