Orcollo habol sa Last 64
MANILA, Philippines - Nakalusot si World No. 7 Dennis Orcollo sa Round of 64 para makasama ang ibang bigating players, isa rito si veteran Francisco “Django” Bustamante, sa knockout stage ng World 10-Ball championships sa SM City Mall sa Gen. Santos City.
Nakatakdang labanan ni Orcollo si Irsa Nasution ng Indonesia, habang magtatapat sina Jeffrey de Luna at Jundel Mazon sa nakahanay na 32 KO matches kagabi at ngayong umaga.
Umabante rin sina World No. 1 Chang Yu Lung ng Chinese Taipei, second seed Darren Appleton ng Great Britain third ranked Albin Ouschan ng Austria at Ruben Bautista ng Mexico sa main draw.
Haharapin ni Chang si Marcus Chamat ng Sweden at makakasagupa ni Appleton si Muhammad Bewi ng Indonesia.
Samantala, bumangon naman si World No. 6 Ouschan sa kanyang opening round loss kay Ivica Putnik ng Croatia mula sa kanyang panalo kay Elvis Calasang, 9-8.
Kailangan din niyang manalo ng dalawang sunod para makatapat si Filipino ace at wala pang talong si Lee Van Corteza.
Binigo ni Ko Pin Yi ng Chinese-Taipei si veteran Mika Immonen ng Finland, 9-8, para magmartsa sa Last 64.
Bukod kay Bustamante, ang iba pang nakapasok sa knockout stage ay sina Baseth Mapandi, Oliver Villafuerte, Emil Martinez, James Aranaz, Warren Kiamco, Patrick Gonzales, Jonas Magpantay, Raymund Faraon, Antonio Gabica, Ronnie Alcano, Anton Raga, Carlo Biado, Roberto Gomez, Elmer Haya, Jerico Bonus, Ryan Maglassang, Romeo Silvano, Johann Chua at Alex Pagulayan.
Ang mga foreign players namang walang nalasap na kabiguan ay sina Piotr Kudlik, Radoslaw Babica at Mieszko Fortunski ng Poland, John Morra at Jason Klatt ng Canada, Ralf Souquet ng Germany, Chang Jung Lin at Fu Che Wei ng Chinese-Taipei.
- Latest