^

PSN Palaro

Barnachea kumpiyansa sa kanilang tsansa sa Ronda

Pilipino Star Ngayon

ANTIPOLO CITY, Philippines--Sasabak ang Navy-Standard Insurance, binabanderahan ni long-time leader Santy Barnachea at ang bagong hugot na si Ronald Oranza, sa Championship round ng Ronda Pilipinas 2015 na inihahandog ng LBC sa Feb. 22-27 na puno ng kumpiyansa matapos dominahin ang Luzon qualifier kamakailan.

“Maganda itong morale-boosting para sa team namin,” sabi ni Barnachea, naghari sa inaugural edition ng Ronda noong 2011.

Optimistiko si Barnachea sa kanilang tsansa matapos pumuwesto ang kanyang koponan sa two-stage Luzon leg.

Winalis ni Oranza, miyembro ng national team na sumama sa Navy, ang mga labanan sa Tarlac at Antipolo stages bukod sa pagiging King of the Mountain at sprint king winner.

Dahil dito, ibinulsa ni Oranza ang premyong P123,000.

Ang second at third placers ay mula rin sa Navy.

Ito ay sina Jan Paul Morales, Barnachea at John Mark Camingao.

Napasama rin sa Championship round sina Navymen Lloyd Lucien Reynante, Joel Calderon, Rudy Roque at El Joshua Carino na tumapos sa top 20 ng Luzon phase.

Ang iba pang maglalaro sa finale ay sina national team standout George Oconer, Jr., Jerry Aquino, Jr., Daniel Asto, Rustom Lim, Ronald Lomotos, Mark Julius Bordeus, Alfie Catalan at Dominic Perez.

 

ALFIE CATALAN

BARNACHEA

DANIEL ASTO

DOMINIC PEREZ

EL JOSHUA CARINO

GEORGE OCONER

JAN PAUL MORALES

JERRY AQUINO

JOEL CALDERON

LUZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with