Galaw ni Mayweather pinag-aaralan na ni Roach
MANILA, Philippines - Ngayon pa lamang ay pinag-aaralan na ni chief trainer Freddie Roach ang mga fight tapes ni Floyd Mayweather, Jr.
Ito ay sa kabila ng kawalan pa rin ng official announcement para sa mega showdown nina Mayweather at Manny Pacquiao.
“I’ve done a little bit of research on Floyd, and I’ve done a little bit of research on sparring partners,” sabi ni Roach kahapon sa media workout ni Chinese superstar Zou Shiming sa kanyang Wild Card Gym sa Hollywood, California.
Itinakda ng 37-anyos na si Mayweather ang upakan nila ng 36-anyos na si Pacquiao sa Mayo 2 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
Sinabi ni Pacquiao na si Mayweather mismo ang gagawa ng official announcement para sa kanilang super fight.
Naniniwala si Roach na malaki ang tsansa ng Filipino world eight-division champion na maipalasap kay Mayweather ang kauna-unahan nitong kabiguan.
Ito ay dahil na rin sa pagiging kaliwete ng Sarangani Congressman.
Inamin ni Roach na hindi madaling talunin ang kagaya ni Mayweather, nagdadala ng malinis na 47-0-0 win-loss-draw ring record kasama ang 26 KOs. (Russell Cadayona)
- Latest