^

PSN Palaro

Javier, Fornea kampeon sa duathlon

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagkaroon man ng kaunting problema ay hindi naman nadiskaril si Robeno Javier para pangatawanan ang pagiging number one male duathlete ng bansa nang pagharian ang Sante Barley Domination duathlon race noong Linggo sa Clark International Speedway sa Clark, Pampanga.

Ginawang 11 laps ni Robeno ang dapat ay 10 laps lamang na bike leg upang mangailangan siya ng ma­la­kas na pagtakbo para una pa ring tumawid sa meta sa 4k run, 40k bike, 4k run race na inorganisa ng BikeKing at suportado ng GU, Garmin, Pure Barley, Whey Barley at Barley Pure.

Si Mervin Santiago na nakasabay si Allen Santiago na unang lumabas sa bike transition, ay naorasan  ng 1:37:01 pero sa 18-24 Age Group siya nakasali para makuha rin ang gintong medalya.

Ang pumangalawa kay Javier ay si Dante Cagas (1:37:06) habang si Jeff Valdez ang pumangatlo (1:37:41) at maibulsa rin ang P6,000.00 at P4,000.00 premyo.

Wala rin naging problema ang dating national team member na si Mary Pauline Fornea na dinomina ang kababaihan sa 1:48:30 oras.

Malayong nasa ikalawang puwesto si Rowena Valdez sa 1:55:18 habang ang pangatlong puwesto ay nakamit ni Franchesca Diane Gutierrez sa 2:35:45.

Nagkaroon din ng karera sa Criterium at Individual Time Trial sa cycling at lumutang ang galing ng lady cyclists na si Marella Vania Salamat na nanalo ng dalawang ginto sa 45-minute plus  one lap criterium (41:56) at sa 30k ITT (49:08).

Ang mga nanalo sa kalalakihan ay sina Ricky Calla, Victor Viray at King Lopez sa Cat. 2, 3 at 4 sa criterium habang sina Joey delos Reyes, Maiqui Dayrit at Randy Boy Apostol ang sa ITT. (AT)

AGE GROUP

ALLEN SANTIAGO

BARLEY PURE

CLARK INTERNATIONAL SPEEDWAY

DANTE CAGAS

FRANCHESCA DIANE GUTIERREZ

INDIVIDUAL TIME TRIAL

JEFF VALDEZ

KING LOPEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with