^

PSN Palaro

Registration sa Manila Bay Seasports Festival simula na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sisimulan ngayong araw ang pagpapatala para sa ga­ganaping 2015 Manila Bay Seasports Festival sa Marso 14 at 15 sa Baywalk, Roxas Boulevard.

Inaasahang magbabalikatan ng kani-kanilang husay ang mga bangkero mula sa iba’t ibang lalawigan sa ban­sa para sa taunang bancathon.

Masasaksihan din ang pagtutunggali ng mga ko­ponan sa dragon boat competition na inaasahang sa­salihan ng mga beteranong Olympian at mga nagwagi sa South East Asian Games.

Hatid ng Manila Broadcasting Company at Lungsod ng Maynila sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard, ang Manila Bay Seasports Festival ay inaasa­hang dudmugin ng mga manonood.

Alas-otso ng umaga ang simula ng mga karera sa tubig. Para sa iba pang detalye tumawag sa telepono bilang na 0921.723.6658.

vuukle comment

BAYWALK

HATID

INAASAHANG

LUNGSOD

MANILA BAY SEASPORTS FESTIVAL

MANILA BROADCASTING COMPANY

MARSO

PHILIPPINE COAST GUARD

ROXAS BOULEVARD

SOUTH EAST ASIAN GAMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with