^

PSN Palaro

Ihayag na kaya ni Mayweather sa NBA All-Star game?

Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Habang naghihintay ang buong mundo para mangyari ang kanilang laban, gumala naman sina boxing superstars Manny Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr. sa kanilang mga lugar para gawin ang gusto nila.

Nagbigay si Pacquiao, isang congressman, ng cash assistance na aabot sa P1 milyon sa mga mahihirap na estudyante sa Malapatan sa Sarangani.

Ang nakatanggap ng P2,000 educational assistance mula sa boxing icon ang higit sa 400 elementary at high school students, ayon kay Team Pacquiao insider Aquiles Zonio.

Nakasama ni Pacquiao sa naturang gift-giving ang asawang si Jinkee, ang vice governor ng probinsya.

Ilang college students rin ang nabigyan ng tig-P5,000 mula kay Pacquiao na nangakong bibisitahin ang anim pang munisipalidad sa mga susunod na araw.

Ang pagtulong sa mga mahihirap ay dati nang gina­gawa ni Pacquiao, isang patunay ng rags-to-riches story sa sports.

Muli namang ginamit ni Mayweather ang social media para imbitahan ang lahat para sa isang pre-Valentine party sa 42 West along 42nd Street sa New York.

“I want to see the whole city there,” sabi ng 37-anyos na boxing superstar na kilalang nagdaraos ng malala­king party.

Si Mayweather ay kasalukuyang nasa New York.

Napaulat na bumisita ang undefeated boxer sa isang jewelry store sa New York at gumastos ng $685,000 sa ilang alahas.

Isasagawa ang NBA All-Stars bukas sa Madison Square Garden at may ilang nag-aabang sa posibleng gagawing pahayag ni Mayweather.

AQUILES ZONIO

FLOYD MAYWEATHER

MADISON SQUARE GARDEN

MAYWEATHER

NEW YORK

PACQUIAO

SI MAYWEATHER

TEAM PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with