^

PSN Palaro

Pinoy duathletes masusukat ngayon

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Makikilatis ang husay ng mga Filipino duathletes sa pagsali sa Sante Barley Domination ngayong umaga sa Clark International Speedway sa Clark, Pampanga.

Ang 2014 Asian Beach Games bronze medalist at number one duathlete ng bansa na si Robeno Javier ang mangunguna sa laban ng mga pambato sa 4-k run, 40-k bike at 4-k swim na distansya.

Pinatingkad ang kompetisyon sa kalalakihan dahil nagpatala rin si Eneko Elosegui ng Spain.

Si Elosegui ay isang long distance triathlete at gagamitin ang kompetis­yong inorganisa ng Bike King bilang paghahanda sa paglahok sa Challenge Philippines sa susunod na linggo.

Mangunguna naman sa kababaihan si national athlete Mary Pauline Fornea at makikipagtagisan siya kina Aria Crawford at Francesca Diane Gutierrez.

Pinasarap ang karera sa elite sa paglalagak ng prem­yo na P10,000, P6,000 at P4,000 sa ma­ngu­ngunang tatlong tatapos.

May aksyon din sa iba’t ibang Age Groups at medalya ang maiuuwi ng makakakuha sa unang tatlong puwesto.

Bukod sa duathlon ay may gagawing karera sa bisikleta na Whey Barley Criterium race sa umaga at Time Trial sa hapon.

May mga kategoryang paglalabanan ang mga sasali, depende sa kanilang kalidad, at medalya rin ang maiuuwi ng mga mananalo. (AT)

AGE GROUPS

ARIA CRAWFORD

ASIAN BEACH GAMES

BIKE KING

CHALLENGE PHILIPPINES

CLARK INTERNATIONAL SPEEDWAY

ENEKO ELOSEGUI

FRANCESCA DIANE GUTIERREZ

MARY PAULINE FORNEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with