^

PSN Palaro

Salud bababa na sa puwesto

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Apat na taon lamang ang panahon na ibinigay ni Chito Salud para sa kanyang pamumuno sa Philippine Basketball Association bilang Commissioner.

Sa kanyang pang-li­mang taon sa professional league ay nakahanda nang bumaba sa kanyang puwesto si Salud.

Pormal na ihahayag ito ni  Salud, pumalit kay Sonny Barrios noong 2010, bukas sa double-header ng 2015 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Sa pangangasiwa ni Salud ay lalo pang kuminang ang PBA bilang top sports entertainment sa bansa kung saan bumasag ito ng record sa gates at TV ratings sa pakikipagtulungan sa TV5.

Nangyari rin sa kanyang liderato ang muling pagla­laro ng bansa sa 2014 World Cup mula sa pagsikwat ng Gilas Pilipinas sa silver medal ng 2013 FIBA Asia Men’s Championships.

Si Salud, isang abogado na nagsilbing presidente ng National Home Mortgage Finance Corp. at ng Natural Resources Development Corp., ay ang pang-walong PBA Commissioner matapos sina Leo Prieto, Mariano Yenko, ang kanyang amang si Rudy Salud, Rey Marquez, Jun Bernardino, Noli Eala at Barrios.

Ayon sa isang malapit kay Salud, maaga ang ga­ga­­wing pagbibitiw ni Salud para bigyan ng sapat na panahon ang PBA Board of Governors na makahanap ng kanyang kapalit.

vuukle comment

ASIA MEN

BOARD OF GOVERNORS

CHITO SALUD

GILAS PILIPINAS

JUN BERNARDINO

LEO PRIETO

MARIANO YENKO

NATIONAL HOME MORTGAGE FINANCE CORP

SALUD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with