^

PSN Palaro

Sa bakbakan sa Ronda Pilipinas 2015 qualifying leg Felipe kinuha ang stage 2; Cayubit inangkin ang overall

Pilipino Star Ngayon

BACOLOD CITY, Philippines -- Pag­dating sa akyatan ng bundok ay walang tatalo kay Marcelo Felipe ng 7-Eleven cycling team.

 Gamit ang kanyang mountain-climbing skills, inangkin ng 25-anyos na si Felipe ang Stage Two sa Visayas qualifying leg ng Ronda Pilipinas 2015 na inihahandog ng LBC ka­hapon dito sa Negros Occidental capital.

Nanguna si Felipe sa tatlong KOM laps sa nasabing 156.6-kilometer stage para sa kanyang unang stage victory sa tiyempong 5 oras, 2 minuto at 12 segundo.

Tinalo niya ang kakam­ping si Boots Ryan Cayubit at ang 2014 Ronda champion na si Reimon Lapaza ng Butuan na nagrehistro ng mga oras na 5:04.25 at 5:08.08, ayon sa pagkaka­sunod.

“Masaya ako at nanalo ako ng stage sa unang pag­kakataon dito sa Ronda Pilipinas,” ani Felipe, pu­mangatlo sa Tarlac stage no­ong 2012.

Dahil sa kanyang pana­lo, umangat si Felipe sa se­cond overall mula sa pa­giging 18th placer sa Du­maguete-Sipalay Stage One sa kanyang total time na 9:33.00 o tatlong minuto ang kalamangan kay Cayubit, naging No. 1 mula sa No. 5 sa kanyang aggregate clocking na 9:29.50.

Inangkin naman ni Ca­yubit ang overall lead ma­tapos pumangalawa kay Felipe para makuha ang pu­lang LBC jersey para sa third at final stage.

“Hindi ko inaasahan na ma­ngunguna ako, pero ma­saya ako na nandito ako nga­yon,” sabi ni Cayubit, na­diskubre sa Ronda race no­ong 2011 nang kumakapanya pa para sa Warren Davadilla-led Metro Manila team.

Ginamit naman ni Lapaza, kuwalipikado nang sumabak sa championship round na nakatakda sa Peb­rero 22-27 pa­ra igiya ang kanyang na­kababatang ka­patid na si Cesar.

BOOTS RYAN CAYUBIT

CAYUBIT

FELIPE

MARCELO FELIPE

METRO MANILA

NEGROS OCCIDENTAL

REIMON LAPAZA

RONDA PILIPINAS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with