^

PSN Palaro

Queens Cup babalik sa Pinas

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Magtutuos uli ang mga mahuhusay na international lady cue-artists sa bansa sa paglarga ng Queens Cup II sa Abril.

Ang pambato ng Pilipinas na si Rubilen Amit ay babalik sa Team Asia na sasagupain ang Team Europe mula Abril 16 hanggang 18 sa Resorts World Manila Casino & Hotel.

Ang unang edisyon ng palarong ito na handog ng Dragon Promotion ay ginawa sa nasabing venue noong Nobyembre 5 hanggang  7 at si Amit ay nakipagtulu­ngan kina team captain Ga Young Kim ng Korea, Chen Si Ming ng China at Penny Tsai ng Chinese Taipei na hiniya sina Kelly Fisher at Allison Fisher ng Great Britain, Vivian Villareal ng Mexico at Jasmin Ouschan ng Austria ng Team Europe, 10-4.

Ang AM8.com ang siyang makakatulong ng Dragon Promotions para maibalik sa bansa ang nasabing kompetisyon.

“AM8.com is really thrilled at bringing the Queens Cup back to the Philippines. When we saw the event, we knew we had to be a part of it. It has a lot of potential for future growth and AM8.com likes being a part of winning formulas,” wika ni Brigette Cruz ng AM8.com.

Nakikita ng organizers na may pagbabago na gagawin sa lineup lalo na sa Team Europe para mas gumanda at maging kapana-panabik ang kompetisyon.

Si Allison Fisher ay nasasabik na bumalik uli ng Pilipinas at sisikapin na tulungan ang koponan na makabawi sa taong ito.

Tiniyak naman ni Francis Bonnevie, director for special events and promotion ng RWM, na hihigitan nila ang naipakita noong nakaraang taon para mas maging makulay ang ikalawang edisyon.

vuukle comment

ABRIL

ALLISON FISHER

BRIGETTE CRUZ

CHEN SI MING

CHINESE TAIPEI

DRAGON PROMOTION

DRAGON PROMOTIONS

FRANCIS BONNEVIE

QUEENS CUP

TEAM EUROPE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with