^

PSN Palaro

Perpetual beach volley mataas ang kumpiyansa

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Magsisikap ang Perpetual Help na maibangon ang nadungisang puri sa paglahok sa 90th NCAA beach volley na gagawin sa Baywalk sa Subic Bay, Olongapo City mula Peb­rero 11 hanggang  15.

Masidhi ang Altas at Lady Altas na manalo matapos mahubad sa ka­nila ang titulo sa indoor volleyball.

Sina Rey Taneo at Jack Kalingking ang magdadala ng laban sa men’s team na hawak ni coach Sinfronio Acaylar habang sina Jamela Suyat at libero Vhima Condada ang tinokahan sa kababaihan.

Panlaban sa juniors sina indoor volleyball MVP Ricky Marcos at alinman kina Jody Severo at EJ Casana.

Ang Junior Altas ang nagsalba sa di magandang kampanya sa indoor ng paaralan nang angkinin ang juniors title.

Huling nagwagi ang Junior Altas ng titulo sa beach volley ay noon pang Season 86 at 87 sa ilalim ni coach Miguel Rafael.

Si Sandy Rieta ang humahawak na sa kopo­nan at mabigat nilang kalaban ay ang EAC Brigadiers at Arellano Junior Chiefs na nagkampeon sa huling tatlong edisyon.

vuukle comment

ANG JUNIOR ALTAS

ARELLANO JUNIOR CHIEFS

JACK KALINGKING

JAMELA SUYAT

JODY SEVERO

JUNIOR ALTAS

LADY ALTAS

MIGUEL RAFAEL

OLONGAPO CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with