^

PSN Palaro

Nietes, Donaire ilalaban sa paboksing ng ALA sa Marso

Pilipino Star Ngayon

DAVAO CITY, Philippines – Wala nang makakapigil sa ALA Promotions ng Cebu sa pagdaraos ng magkasunod na malaking boxing card.

Bago pa matapos ang Pinoy Pride 29 kagabi ay ina­abangan na ang susu­nod na edisyon nito sa March.

Babanderahan nina world champion Donnie Nietes at five-division titlist Nonito Donaire, Jr. ang su­sunod na ALA card sa March 28 sa MOA  Arena.

Sinabi ni Dennis Ca­nete, ang vice president ng ALA Promotions, na pinapanalisa na nila ang mga detalye sa nasabing boxing card na isang double-headliner tampok sina Nietes at Donaire.

Itataya ni Nietes, ang bagong longest-reigning Filipino boxing champion, ang kanyang WBO light-flyweight crown laban kay Luis Ceja ng Mexico.

Ito ang magiging pang-anim na title defense ni Nietes.

Ito rin ang unang laban ni Nietes matapos lampasan ang record ni Gabriel “Flash” Elorde, ang world champion mula noong 1960 hanggang 1967.

Nalampasan ni Nietes ang record na pitong taon at tatlong buwan na paghahari ni Elorde noong Dec. 31.

Magbabalik naman si Donaire makaraang mabigo kay Nicholas Walters ng Jamaica noong October sa Carson City, California.

Pinatulog ni Walters ang 32-anyos na si Donaire sa sixth round at naisuko ang WBA featherweight crown.

Sinabi ni Donaire na hindi siya nababagay sa featherweight class kaya siya magbabalik sa bantamweight class.

Lalabanan ni Donaire si William Prado ng Brazil sa kanyang pagbabalik. (AC)

CARSON CITY

DENNIS CA

DONAIRE

DONNIE NIETES

ELORDE

LUIS CEJA

NICHOLAS WALTERS

NIETES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with