^

PSN Palaro

Ubos sila kay Lebas! Hari ng 2015 Le Tour De Filipinas

Mae Balbuena - Pilipino Star Ngayon

BAGUIO CITY, Philippines – Duma­ting ang hinihintay na pagka­kataon ni Thomas Lebas ng continental team na Bridgestone Anchor Cycling team ng Japan upang lumutang bilang kampeon sa pagtatapos ng 2015 Le Tour de Filipinas na handog ng Air21 at co-presented ng MVP Sports Foundation kahapon sa harap ng Baguio Convention Center.

Nasa No. 3 lamang ng individual general classification mula umpisa hanggang sa Stage 3 kamakalawa, sumabay si Le­bas sa pag-atake ng mga Iranians at kumawala sa huling bahagi ng karera para tumawid ng finish line bilang runner-up sa stage winner na si Mirsamad Pourseyedigolakhour ng Iran continental team na Tabriz Petrochemical sa 101.7 kms. Lingayen-Baguio City Stage Four via Kenon Road sa tiyempong 2 hours, 54 minutes at 1-second.

Matapos sundan-sundan ang mga front runners na sina Stage 1 winner Eric Thomas Sheppard ng Team Novo Nordisck (USA) at ang natanggalan ng koronang si Mark Galedo ng 7-Eleven Road Bike Phippines na ilang segundo lang ang agwat, naiwanan ni Lebas ang mga ito nang sumabit sa mga umatakeng Iranians  tungo sa kanyang ikalawang titulo sa taon matapos ang panalo sa Nigeria at ikaapat sa kabuuan ng kanyang career.

“I just followed in the early stages because I’m just 4 seconds behind the overall leader but today (kahapon) I did not attack, I just followed the Iranians because they’re the strongest in the peloton,” pahayag ng 28-gulang na si Lebas na may kabuuang tiyempo na 13-oras, 40-mi­nutos at 49 segundo sa kabuuang 532.5 kilometro matapos tumawid ng finish line na may 42 segundong distansiya sa stage winner sa  karerang  suportado rin ng Victory Liner, San Mig Zero, Novo Nordisk Pharmaceuticals Phils. at Canon at may road partners na Isuzu, MAN Truck and Bus, Viking Rent-A-Car at NLEX.

Kinapos din si Galedo sa oras para maghabol  sa Frenchman rider dahil huli na nang makita niya ito sa unahan sa kakabantay kay Sheppard upang makontento sa runner-finish overall na may 1.57 minutong distansiya kay Lebas habang natumba naman si Sheppard nang naghahabol ito papasok sa huling dalawang minuto ng karera na tanging UCI-sanctioned roadrace rito sa Pinas at inorganisa ng Ube Media Inc. na pinamumunuan ni  Donna Lina-Flavier.

Bukod sa panalo ni Pourseyedigolakhour sa final stage kahapon, ang pag-atake ng mga Ira­nians ay nagbunga naman ng pagkapanalo ng Tabriz Petrochemical sa team ge­neral classification matapos magtala ng total time na 41-hours, 12-minutes at 13 second matapos ang apat na araw na karera para talunin ng isang segundo lamang ang pumangalawang Bridgestone Anchor Cycling team at sibakin ang dating nangungunang 7-11 Roadbike team.

Tinanghal ding Best Climber ang isa pang Iranian na si Askari H ng Pishgaman Giant Team matapos pangunahan ang KOM kahapon para sa 25 points para agawan din si Galedo ng titulo sa kanyang kabuuang 10-puntos.

ASKARI H

BAGUIO CONVENTION CENTER

BEST CLIMBER

BRIDGESTONE ANCHOR CYCLING

DONNA LINA-FLAVIER

ELEVEN ROAD BIKE PHIPPINES

LEBAS

TABRIZ PETROCHEMICAL

TEAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with