^

PSN Palaro

Sinamantala ng Malaysian team, Salleh tinulungang makuha ang Stage 3

Mae Balbuena - Pilipino Star Ngayon

LINGAYEN, Pangasinan – Habang ang lahat ay nagrereserba ng lakas  para sa karera  ngayon, umatake ang Malysian Continental team na Terengganu Cycling Team upang ihatid sa tagumpay si Hariff Salleh sa 149.34 kms Iba-Lingayen Stage Three ng 2015 Le Tour de Filipinas  na handog ng Air21 at co-presented ng MVP Sports Foundation kahapon dito.

Pinangunahan ng SEA Games gold medalist na si Salleh ang malaking pulutong ng mga siklistang tumawid ng finish line sa Lingayen Provincial Capitol sa pare-pa­rehong oras na 3-hours, 38-minutes at 35-seconds kasama ang mga top contenders ng karerang suportado rin ng Victory Liner, San Mig Zero, Novo Nordisk Pharmaceuticals Phils. at Canon at may road partners na Isuzu, MAN Truck and Bus, Viking Rent-A-Car at NLEX.

“My team really worked together and helped me win the stage today. The course is not so hot today unlike yesterday,” pahayag ng 26-gulang na si Salleh na sinundan nina Mehdi Sohrabi ng Iran continental team na Tabriz Petrochemical Team  at Tino Thomel ng Taiwan continental team na RTS Santic Racing Team bilang stage runner-up at third placer.

Nasa likuran lamang nila kasama ng grupo ang mga naglalaban para sa titulo na sina Eric Thomas Sheppard ng Team Novo Nordisck (USA), defending champion Mark Galedo ng continental team na 7-Eleven Road Bike Philippines at Thomas Lebas ng Bridgestone Anchor Cycling Team  ng Japan kaya’t walang naging pag-galaw ang top-three sa individual general classification ng ta­nging UCI-sanctioned event na ito na inorganisa ng Ube Media Inc. na pinamumunuan ni  Donna Lina-Flavier.

Matapos ang tatlong araw na karera, si  Sheppard ay may total time na 10:46:06 at nanatiling 3 segundo ang agwat kay Galedo at 4-segundo naman si Lebas.

“Tama yung naging tactics naming na bunch finish, yun naman talaga ang plano namin,” pahayag ni Galedo na mapapalaban sa 101.70 kms. Lingayen-Baguio City Stage Four na dadaan sa matarik na Kenon Road.

Nagtulung-tulong ang mga Terengganu riders para pangunahan ang paghahabol sa three man lead pack na nakalayo ng hanggang mahigit walong minuto ngunit unti-unting nilamon ng malaking pulutong pagpasok sa huling 50-kilometro ng karera sa parte ng Sual at tuluyang kinain sa last 10-kilometers.

BRIDGESTONE ANCHOR CYCLING TEAM

DONNA LINA-FLAVIER

ELEVEN ROAD BIKE PHILIPPINES

ERIC THOMAS SHEPPARD

GALEDO

HARIFF SALLEH

IBA-LINGAYEN STAGE THREE

KENON ROAD

TEAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with