^

PSN Palaro

Ambrose inagaw ang Zambales Leg diabetiko umeksena sa Stage 2

Mae Balbuena - Pilipino Star Ngayon

IBA, Zambales, Philippines – Ang USA continental team na Team Novo Nordisk ay sumali sa 2015 Le Tour de Filipinas na handog ng Air21 at co-presented ng MVP Sports Foundation  na may layuning bigyan ng inspirasyon ang mga taong may diabetes at ipakitang posibleng mamuhay ng normal kahit diabetic ang isang tao.

At pinatunayan ito ni Scott Ambrose ng New Zealand nang kanyang pangunahan ang mapanghamong 154.70 Balanga-Iba Stage 2 ng karerang suportado rin ng Victory Liner, San Mig Zero, Novo Nordisk Pharmaceuticals Phils. at Canon at may road partners na Isuzu, MAN Truck and Bus, Viking Rent-A-Car at NLEX.

“It’s not a hindrance at all and we are just as equal as anyone else in the race. We just have to manage our diabetes and that’s the only difference. Before the race, during the race and after the race but on the bike we are equal with everybody else,” paliwanag ni Ambrose na nanalo sa unang pagkakataon ng Stage sa isang UCI race at may 13 segundong dis­tansiya sa pumangalawang si Ronald Oranza ng Philippine National team at sa third placer na si  Ronald Ying Hon Yeung ng Taiwan continental team na Attaque Team Gusto.

Nasukat ang tibay sa akyatin at bilis sa patag  bu­kod pa sa mahangin at maaalikabok na ruta ng mga siklista ngunit nangi­babaw si Ambrose na solong tumawid ng finish line sa tapat ng provincial capitol ng Zambales sa tiyempong 3-hours, at 49.52 minutes bilang pahabol na regalo sa pagdiriwang ng ika-20 kaarawan ng New Zealander noong nakaraang linggo.

“Super hot conditions. The (strong) winds made it hard as well (sa parting Cabangan hanggang Botolan), Fortunately enough, Joonas (Hentalla) came across with me and we worked perfectly throughout the stage. It’s a hard day but we got the result so I’m super happy,” dagdag pa ni Ambrose na mula  27th place sa general classification sa Stage One, ay nasa fifth overall, may 1:35 minutong distansiya sa likod ni Eric Thomas Sheppard ng Taiwan continental team na Attaque Team Gusto (7:07:31), habang si  Oranza, na ika- 25th noong Linggo ay umakyat sa sixth overall matapos ang dalawang araw na karera.

Nakalapit naman ang defending champion na si Mark Galedo sa over-all leader na si Sheppard ng Taiwan continental team na Attaque Team Gusto dahil tatlong segundo na lang ang kanyang agwat kasunod si Thomas Lebas ng Bridgestong Anchor team na malayo naman ng 4-segundo lamang.

ATTAQUE TEAM GUSTO

BALANGA-IBA STAGE

BRIDGESTONG ANCHOR

ERIC THOMAS SHEPPARD

LE TOUR

MARK GALEDO

NEW ZEALAND

NEW ZEALANDER

TEAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with