^

PSN Palaro

Garcia binigyan ng ultimatum ang NSAs

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kailangang bilisan ng mga National Sports Associations (NSAs) ang pagkumpleto sa mga dokumento na kailangan ng COA para mabigyan sila ng tulong-pinansyal ng Philippine Sports Commission (PSC).

Tiniyak ni PSC chairman Ricardo Garcia na ipapairal niya ang walang financial assistants sa mga NSAs na hindi makakasunod kahit ang bansa ay naghahanda para sa SEA Games sa Singapore sa Hunyo.

“Wala kaming magagawa kungdi sundin ang kautusan na ito ng Commission on Audit (COA) dahil kami ang mananagot kung susuwayin ito. Sa Martes ay may board meeting ang PSC at sana sa Lunes ay marami na ang makapagsumite ng dokumento para maaksyunan ang kanilang financial requests,” wika ni Garcia.

Kahit ang POC ay suportado ang aksyon na puwedeng gawin ng PSC sa mga NSAs na hindi makakatugon.

“Wala tayong magagawa dahil  government regulation ito. Kung hindi sila makakasunod, hindi sila makakakuha ng financial assistance para sa kanilang training,” pahayag ni POC treasurer at SEAG Chief of Mission Julian Camacho.

Aminado si Camacho  kahit ang inaanibang Wu­shu Federation of the Phi­lippines (WFP) ay hindi pa kumpleto ang mga do­kumento na kailangan pero ginagawan na nila ng paraan upang hindi maba­lam ang paghahanda ng kanilang mga atleta.

Mahalaga ang supor­tang ibibigay ng  PSC sa NSAs dahil hanap ng Pilipinas ang bumangon mula sa pinakamasamang pagtatapos sa kasaysayan ng biennial meet na ikapitong puwesto noong 2013 sa Myanmar.

AMINADO

CAMACHO

CHIEF OF MISSION JULIAN CAMACHO

FEDERATION OF THE PHI

NATIONAL SPORTS ASSOCIATIONS

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

RICARDO GARCIA

SA MARTES

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with