^

PSN Palaro

P2B kailangan ng Pinas para sa 2019 World Cup

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tumataginting na P1.5 hanggang P2 bilyon ang perang kakailanganin sakaling ibigay sa Pilipinas ang 2019 FIBA World Cup.

Hindi naman natitinag ang pamunuan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas sa pangunguna ng pangulong si Manny V. Pa­ngilinan dahil nakikita nila ang suportang makukuha sa lahat ng mga Filipino para maisagawa ang pinakamalaking World Cup sa kasaysayan nito.

Ito ang magiging kauna-unahang edisyon na aabot sa 32 bansa ang sasali kaya’t magandang behikulo ang kompetisyon para maipakilala pa ang Pilipinas sa mga dadayong koponan.

Mismong ang mga opis­yales ng pamahalaan ang nagpakita ng kanilang pagnanais na mangyari ang laro sa bansa nang pangunahan ni Department of Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario ang isang dinner sa Marble Halle ng Bureau of the Treasury building sa Intramuros.

Pangunahing bisita ang mga FIBA officials tulad nina secretary-general Patrick Baumann at ang mga kasapi ng FIBA evaluation committee na sina chairman Lubomir Kotleba, director general sa media at marke­ting services Frank Leenders at director of events Predrag Bogosavliev.

Dumalo rin sa hapunang ito sina Senate President Franklin Drilon, House of Representatives Speaker Feliciano Belmonte, Sen. Grace Poe, Sen. Cynthia Villar, DPWH Secretary Rogelio Singson, Cabinet Secretary Jose Rene Almendras, PAGCOR CEO Cristino Naguiat, PAGCOR director Lito Tanjuatco, DOT Undersecretary Ma. Victoria Jasmin at Deputy Executive Secretary Teofilo Pilandro.

Umalis na kahapon ang mga FIBA officials para puntahan ang ibang bansa na nagnanais na sa kanilang lugar gawin ang World Cup.

Ang mga karibal ng bansa ay ang China, Turkey, Qatar at ang pinagsamang bid ng Germany at France.

BUREAU OF THE TREASURY

CABINET SECRETARY JOSE RENE ALMENDRAS

CRISTINO NAGUIAT

CYNTHIA VILLAR

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS SECRETARY ALBERT

DEPUTY EXECUTIVE SECRETARY TEOFILO PILANDRO

FRANK LEENDERS

PILIPINAS

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with