Pacquiao-Mayweather fight wala nang makakapigil
MANILA, Philippines - Kung may makakahadlang pa sa kanilang inaabangang mega showdown, ito ay walang iba kundi mismong sina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr.
Sinabi ni Canadian adviser Michael Koncz na nakausap na niya si Bob Arum ng Top Rank Promotions at positibo ang pagtanggap nito sa naging pag-uusap nina Pacquiao at Mayweather sa hotel suit ng Filipino boxing superstar kamakalawa.
Wala nang nakikitang problema si Koncz tungkol sa pagtatakda ng laban nina Pacquiao at Mayweather sa Mayo 2 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
“I think Floyd is sincere about wanting the fight, I really do. I know Manny has wanted it and he’s ready to fight and has been for a while. So I’m very optimistic. I really am,” sabi ni Koncz.
Nauna nang pumayag si Pacquiao sa mga kondisyon ni Mayweather para sa kanilang super fight.
Nagkasundo na rin ang HBO at Showtime/CBS na magkakaroon ng dalawang broadcasters ang Pacquiao-Mayweather fight.
Nakatakdang magtungo ang 36-anyos na si Pacquiao sa Washington D.C. para dumalo sa National Prayer Breakfast kasama ang asawang si Jinkee sa Pebrero 5 kung saan inaasahang magiging bisita si US President Barrack Obama.
- Latest