^

PSN Palaro

Generals nakabawi mula sa bangungot

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naipakita ng Emilio Aguinaldo College Generals ang kakayahang bumangon mula sa masamang pangyayari sa pamamagitan ng makasaysayang kampanya sa 90th NCAA men’s volleyball.

Naibulsa ng Generals ang kanilang kauna-unahang kampeonato sa seniors division nang hiyain ang St. Be­nilde Blazers, 2-1.

Si Howard Mojica ang nanguna sa Generals sa naitalang 29-hit average pero hindi nagpabaya at sumuporta ang ibang kakampi na sina Keith Melliza, Israel Encina at Sid Reymond Gerella para makapag-ingay sa pinakamatandang collegiate league sa bansa.

Noong nakaraang taon ay nag-ingay din ang EAC pero ito ay sa negatibong pamamaraan.

Matatandaan na nasangkot sa gulo ang Generals at Mapua Cardinals sa huling bahagi ng elimination round sa men’s basketball.

Dahil sa naganap na rambulan, hindi na nagawang tapusin pa ng Generals ang kampanya sa elimination round dahil sa kakulangan ng manlalaro bunga ng ipinataw na suspension.

“We made mistakes but we just have to learn from it,” wika ni EAC Management Committee member Marlon Carlos.

Tunay ang kanyang tinuran dahil ang ibang koponan na lalaban sa ibang sports disciplines ay nagsanay nang husto at isa na ang volleyball team  na pinalad na nagkampeon.

“Our victory in volleyball is a product of the team’s patience and hard work. This is a celebration of the school’s desire to excel by working and preparing hard and by displaying team work,” dagdag ni Carlos.

Nasa ikaanim na taon ng paglahok ang EAC at naniniwala si Carlos na may mga magagandang balita pa ang maipapahayag ng EAC sa mga susunod na laro na kanilang haharapin.

Bago ang titulong ito, ang unang kampeonato ng paaralan sa pinakamatandang collegiate league sa bansa ay sa juniors volleyball mula 2011 hanggang 2013.

Ang EAC ay isa sa dalawang team na kalahok na nasa kategoryang probationary members. Ang isa pa ay ang Lyceum Pirates.

EMILIO AGUINALDO COLLEGE GENERALS

ISRAEL ENCINA

KEITH MELLIZA

LYCEUM PIRATES

MANAGEMENT COMMITTEE

MAPUA CARDINALS

MARLON CARLOS

SI HOWARD MOJICA

SID REYMOND GERELLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with