^

PSN Palaro

Baumann, FIBA executives darating para sa ocular inspection

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nakatakdang dumating bukas sa bansa ang three-man FIBA Evaluation Commission para inspeksyunin ang mga venues at alamin ang kakayahan ng Pilipinas na pamahalaan ang 2019 FIBA Basketball World Cup.

Sasakay sa magkahiwalay na flights sina sports director Lubo Kotleba, director general for media at marketing Frank Leenders at events director Predrag Bogosavljev, ayon kay SBP executive director Sonny Barrios.

Susunod naman si Patrick Baumann, ang secretary-general ng FIBA, sa Huwebes para makapulong ang grupo bukod pa sa kanyang courtesy call kay Presidente Aquino.

Hangad ng bansa, pi­nangasiwaan ang 2013 FIBA Asia Championship at nakatakdang pamahalaan ang 2015 SEABA U16 tournament na siyang qualifier para sa FIBA Asia U16 Championship, na makuha ang hosting rights ng world championship.

Bukod sa Pilipinas, ang iba pang nagnanais na pamahalaan ang natu­rang torneo ay ang China, Turkey, Qatar at isang combined group mula sa Germany at France.

Magsasagawa ng ins­peksyon ang FIBA Eva­luation Commission bukas ng umaga sa 55,000-sitting capacity Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan at sa Smart Araneta Coliseum.

Bibisita rin ang grupo sa EDSA Shangri-La at  So­fitel na isang potential event ho­tels bago magtungo sa Mall of Asia Arena kung saan idinaos ang FIBA Asia Championship, para manood ng laro ng Barangay Ginebra San Miguel at Meralco sa PBA Commissioner’s Cup.

Magtutungo sila sa Cebu bukas sakay sa isang private jet ni SBP president at Smart/PLDT chairman Manny V. Pangilinan para tingnan ang isang lugar na pagtatayuan ng SM Group ni billionaire businessman Henry Sy ng isang state-of-the-art sports facility sa mga susunod na taon.

Makakasalo nila sa isang tanghalian si Cebu City Mayor Michael Rama bago bumalik sa Manila para sa presentasyon mula sa Solaire Hotel at sa isang private dinner ng mga top SBP executives sa pamumuno ni Pangilinan.

Pinamahalaan ng Pi­lipinas ang FIBA World Championship noong 1978 na idinaos sa Araneta Coliseum at sa Rizal Memorial Coliseum.

Tinalo ng Yugoslavia, ang dating Soviet Union, 82-81 sa overtime sa final games.

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

ASIA CHAMPIONSHIP

BARANGAY GINEBRA SAN MIGUEL

BASKETBALL WORLD CUP

CEBU CITY MAYOR MICHAEL RAMA

EVALUATION COMMISSION

FIBA

FRANK LEENDERS

HENRY SY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with