^

PSN Palaro

Generals, Blazers patayan para sa titulo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Huling pagtutuos na tiyak na mapupuno ng emos­yon ang matutunghayan sa pagitan ng Emilio Aguinaldo College Gene­rals at St. Benilde Blazers para sa kampeonato sa 90th NCAA men’s volleyball ngayong hapon sa The Arena sa San Juan City.

Ang laro ay itinakda sa ganap na alas-2 ng hapon at ang resulta ay siyang hinihintay na lamang para tuluyang matapos ang aksyon sa volleyball.

Nauna nang kinilala ang husay ng Perpetual Help Junior Altas at Arellano Lady Chiefs nang walisin ang Lyceum Junior Pirates at San Sebastian Lady Stags at isubi ang titulo sa juniors at women’s division noong Biyernes.

Ipinakita ng Generals ang masidhing hangarin na makamit ang kauna-unahang kampeonato sa kalalakihan nang kunin ang 25-22,  21-25, 21-25, 25-15, 15-13, panalo sa Game Two noong Biyernes.

Hindi nagpapigil si Ho­ward Mojica na naghatid ng 33 puntos na sinangkapan ng mabangis na 28 puntos sa 81 attempts upang tulungan ang Generals sa 57-47 bentahe sa kills.

May 34 errors ang Ge­nerals pero binawi ito sa pagkakaroon ng 60 digs at si Juvie Mangarin ang nanguna rito sa ibinigay na 20 digs.

Tiyak na mas handa ang Blazers sa pagkakataong ito para hindi masa­yang ang hinawakan na 1-0 bentahe sa best-of-three series.

Si Johnvic De Guzman ang magdadala uli sa atake ng koponan ngunit dapat ay magkaroon sila ng mas magandang depensa lalo na kay Mojica para kuminang din sa unang pagkakataon sa dibisyon. (AT)

ARELLANO LADY CHIEFS

BIYERNES

EMILIO AGUINALDO COLLEGE GENE

GAME TWO

JUVIE MANGARIN

LYCEUM JUNIOR PIRATES

MOJICA

PERPETUAL HELP JUNIOR ALTAS

SAN JUAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with