^

PSN Palaro

Wala pa ring mantsa! Lady eagles dinagit ang Lady bulldogs

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dumiretso ang nagdedepensang Ateneo sa kanilang pang-walong sunod na panalo matapos talunin ang National University, 25-18, 25-21, 25-22, sa UAAP Season 77 women’s volleyball tournament kahapon sa Filoil Flying V Arena.

Humataw si Alyssa Valdez ng 20 hits para pangunahan ang panalo ng Lady Eagles sa laro nila ng Lady Bulldogs na naunang inasahang magiging mahigpitan.

“It’s weird na nasa kabila siyang side ng court, he’s my coach for three years. But all throughout the game, parang maalaala mo yung mga natutunan sa kanya and sobrang inspi­ring. Parang after all, nagkakasama rin kami because of volleyball,” sabi ni Valdez sa dati niyang coach sa Ateneo na si Ro­ger Gorayeb na ngayon ay nasa bench ng NU.

Bukod kay Valdez, na­ging susi rin ng Lady Eagles sa tagumpay si Amy Ahomiro.

Sa unang laro, kuma­mada si Christine Soyud ng career-high 16 points para pagbidahan ang De La Salle sa 25-27, 25-20, 25-23, 25-10 panalo kontra sa University of the Philippines.

Si Soyud ang naging ikalawang Lady Spiker matapos si Ara Galang na naging topscorer ng La Salle ngayong season makaraang palitan si Cyd Demecillo bilang open spiker.

Tumapos si Galang na may 14 hits at 13 digs para sa Lady Spikers.

Sa men’s division, nag­lista si Mark Alfafara ng 18 points at 2 digs para akayin ang University of Santo Tomas sa 25-19, 28-26, 25-23 panalo laban sa nagdedepensang NU.

Sumandal naman ang Ateneo sa 12 hits ni MVP Marck Espejo para wa­ka­san ang anim na sunod na panalo ng A­damson University mula sa kanilang 26-24, 25-22, 25-18 tagumpay.

ALYSSA VALDEZ

AMY AHOMIRO

ARA GALANG

ATENEO

CHRISTINE SOYUD

CYD DEMECILLO

DE LA SALLE

LADY EAGLES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with