^

PSN Palaro

‘2-star’ standard nakuha ng RMSC pitch

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinilala ng international football federation (FIFA) ang Rizal Memorial Football artificial pitch bilang isang ‘2-star’ standard.

Nakuha ni PSC chairman Ricardo Garcia ang plaque mula kay FIFA pre­sident Joseph Blatter kaha­pon ng umaga at inanunsyo ang positibong balita sa harap ng mga opisyales ng PSC at POC bukod ng mga kawani ng ahensya sa isinagawang 25th anibersaryo na ginawa sa PSC Bad­minton Hall.

“Nakuha ko ito kaninang umaga, declaring the Ri­zal Memorial football field at a ‘2-star’ standard field by the FIFA. Ang ‘2-star’ ang pinakamataas na standard na puwedeng ibigay ng IF at nangangahulugan ito na puwede nang magdaos ng mga FIFA sanctioned  in­ternational events ang Pi­lipinas,” wika ni Garcia.

Noong huling bahagi ng 2013 sinimulan ang pag­babago sa makasaysa­yang football field at noong Hulyo ay binuksan na at ipi­nakita ang artificial turf na Limonta Max S60 na nagkakahalaga ng P19 milyon.

Sulit naman ang desis­yon dahil matapos suriin ng mga opisyales ng FIFA at pumasa ito sa kanilang standard at kinategorya sa pinakamataas na hanay.

Idinagdag pa ni Garcia na ang bagay na ito ay pa­tunay na tama ang tema ng selebrasyon na ‘On Track at 25.’

“Makakaasa kayo na ang administrasyong ito ay gagawin ang lahat ng makakakaya para ibangon ang antas ng sports sa bansa,” ani Garcia.

Isinagawa rin ang pagbibigay ng retirement bene­fits sa mga atleta base sa In­centives Act.

Ang mga ito ay sina Joan Tipon, Vio­lito Payla, Har­ry Tañamor, Larry Semil­lano, Genebert Basadre, Joegin Ladon, Castro, Bill Vicera at Mitchel Mar­tinez;  billiards players An­tonio Gabica at Antonio Lining; judoka John Baylon; gymnast Roel Ramirez; taekwondo jin Manel Sy Yca­sas; marathoner Roy Vence at wushu artist Mary Jane Estimar.

vuukle comment

ANTONIO LINING

BILL VICERA

GARCIA

GENEBERT BASADRE

JOAN TIPON

JOEGIN LADON

JOHN BAYLON

JOSEPH BLATTER

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with