^

PSN Palaro

Generals humirit ng game three laban sa CSB Blazers korona inangkin ng Lady Chiefs at Jr. Altas

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro sa Lunes

(The Arena,

San Juan City)

2 p.m. – EAC vs CSB

 

MANILA, Philippines - Hindi hinayaan ng Arellano Lady Chiefs na maulit ang nangyari noong naka­raang taon nang inilabas ang mabangis na porma pa­tungo sa 25-23, 25-19, 26-24 panalo laban sa San Sebastian Lady Stags at iuwi ang titulo sa women’s division sa 90th NCAA volleyball championship ka­hapon sa The Arena sa San Juan City.

Sina Menchie Tubiera, Cristine Joy Rosario, Shirley Salamagos at Danna Henson ang mga nagsil­bing puwersa sa Lady Chiefs para hindi maka­bawi ang Lady Stags sa pag­ka­talo sa Game One pa­tungo  sa paghablot sa ka­una-unahang kampeo­nato ng Arellano sa liga.

Noong nakaraang taon ay namuro na ang Arellano dahil isang set na lamang ang naglalayo sa koponan at ang titulo.

Pero bumitaw ang Lady Chiefs para magwagi ang Perpetual Help Altas.

“Last year ay nakawala ang title. Pero ngayon taon, talagang nagpursigi ang mga manlalaro para hindi maulit ito,” wika ni Arellano coach Obet Javier.

Kasamang nagdiwang ng Arellano ang Perpetual Junior Altas na winalis rin ang Lyceum Junior Pirates, 25-15, 25-23, 25-19.

Nabigo ang St. Benilde Blazers sa men’s division nang maisuko ang 22-25, 25-21, 25-21, 15-25, 13-15 pag­­katalo sa Emi­lio Agui­nal­do College Ge­nerals para itabla ang serye.

Ang dalawang koponan ay magkikita sa Lunes sa Game Three.

ARELLANO

ARELLANO LADY CHIEFS

COLLEGE GE

CRISTINE JOY ROSARIO

DANNA HENSON

GAME ONE

LADY CHIEFS

SAN JUAN CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with